Madrona

2 panukalang batas na inendorso ng House Committee on Tourism pumasa sa Kongreso

Mar Rodriguez May 24, 2023
172 Views

PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas na inindorso ng House Committee on Tourism na magpapa-angat ng turismo sa lalawigan ng Mountain Province at Tarlac sa pamamagitan ng pade-deklara sa mga nasabing lugar bilang “tourist destination”.

Sa pamamagitan ng 293 votes mula sa mayorya ng mga kongresista, zero negative votes at zero abstention. Inaprubrahan ng Kongreso ang House Bill No. 8003 (Declaring the Municipality of Barliking Mountain Province a Tourism Development Area) at House Bill No. 8004 (an Act Declaring an Area Encompassing Mount Damas Ubod Falls Located in Barangay Maasim Municipality of San Clemente Province of Tarlac and Eco-Tourism Destination).

Ikinagalak ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee ang pagkakapasa at pagsasabatas ng dalawang panukalang na magpapa-unlad sa turismo ng Mountain Province at Tarlac dahil sa pagpasok ng mga lokal at dayuhang turista.

Pinasalamatan ni Madrona si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa suportang ibinibigay nito sa House Committee on Tourism dahil sa pagsasabatas ng iba pang panukala na nagsusulong ng turismo sa Pilipinas na inaasahang magbibigay ng malaking ganansiya sa ekonomiya ng bansa.

Muling nanindigan si Madrona na ang Philippine Tourism ang itinuturing na “economic drivers” o economic backbone ni President Ferdianand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sapagkat ito aniya ang magbibigay ng malaking kita sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng nararanasang krisis ng mamamayan.

“With 293 members, zero negative and zero abstention. House Bills No. 8003 (Municipality Barliking Mountain Province a Tourism Development Area) and 8004 an Act Declaring an Area Encompassing Mount Damas Ubod Falls Located in Barangay Maasim Municipality of San Clemente Province of Tarlac and Eco-Tourism Destination) was approved on on third and final reading,” ayon kay Madrona.