Lamok

2 patay sa dengue sa Pakil; state of emergency nakaamba

Gil Aman May 30, 2025
22 Views

PUMALO na sa 24 ang kaso ng dengue at dalawang bata na ang namamatay sa Pakil, Laguna.

Dahil sa paglobo ng kaso ng dengue, sumulat si Pakil Mayor Vince Soriano sa Sangguniang Bayan na humihiling ng special session sa May 31 para sa deklarasyon ng state of emergency sa buong bayan.

Nakasaad din sa sulat ni Mayor Soriano na may 5 dengue cases na minomonitor sa RHU.

Nababahala ang local government sa dengue outbreak dahil mula pa noong Enero 2025 may mga kaso na ng dengue sa Pakil, Laguna.

Hiniling na rin ng alkalde kay Jinkee Advento na makipag-ugnayan sa mga barangay tungkol sa outbreak.