Suspek

2 suspek na tulak arestado sa P374K shabu

Edd Reyes Sep 7, 2024
20 Views

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga pulis sa aktong nagbebenta ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000 sa poseur-buyer na pulis noong Biyernes sa Caloocan City.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ang mga suspek na sina alyas Hasan, 23, at alyas Budok, 26, dakong alas- 9:33 ng gabi sa kanto ng Tatiana at Kagapay Roads, Brgy. 188.

Nakumpiska sa mga suspek ang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374,000, P6,500 na markadong salapi, anim na P1,000 boodle money, isang kalibre .38 revolver at dalawang bala.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang mga nadakip.