Shabu

2 suspek na tulak nasadlak sa P800K na shabu

18 Views

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto noong Sabado na may dalang halos P800,000 halaga ng shabu sa buy-bust sa Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal.

Nakakulong ang dalawang suspek na sina alyas Khalifa, 40, at alyas Aljhon, 32, matapos pagbentahan ang pulis na nagpanggap na poseur buyer bandang alas-12:20 ng madaling araw, ayon sa mga pulis-Binangonan.

Narekober ng mga pulis ang 111.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P758,200, brown coin purse, cellphone at buy-bust money.

Sinabi ng mga suspek na kinukuha nila ang drog sa isang alyas Saddam sa Taguig City.

Dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa wastong disposisyon ang mga nakuhang droga.

Nahaharap ang dalawa sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.