Calendar
2 suspek sa krimen laglag sa parak
NAARESTO ng mga pulis ang wanted na pugante sa Laguna na may kasong statutory acts of lasciviousness sa menor de-edad na dalagita sa Las Piñas City noong Sabado.
Naaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor si alyas “Ryan,” 29-anyos, sa tulong ng arrest warrant na inilabas ni Judge Rean Arizala-Joaquin ng Regional Trial Court (RTC) Branch 156 ng Biñan, Laguna, kaugnay sa kasong statutory acts of lasciviousness.
May piyansang P180,000 na inutos ang huwes para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nadakip din ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque Police si alyas “Justine,” 21-anyos, dahil sa kasong frustrated homicide.
Isinagawa ang pagdakip sa akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Parañaque RTC Branch 296 sa Linotype Street, Fourth Estate, Barangay San Antoni

