Tirador

2 tirador ng motor laglag sa parak

Edd Reyes Sep 7, 2024
18 Views

NALAMBAT ng mga pulis ang dalawang lalaking sangkot sa pagnenok ng motorsiklo noong Biyernes sa Paranaque City.

Natunton ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete sina alyas Robert, 32, at alyas Glenn, 37, sa Brgy. Sun Valley dakong alas-8:30 ng gabi sa tip ng testigo tungkol sa hitsura mga suspek.

Inaresto ang dalawang suspek sa reklamo ng 19-anyos na biktimang si alyas Jameson sa District Special Operations Unit (DSOU) ng SPD matapos siyang tutukan ng baril ng mga suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Sta Ana Valley at puwersahang tinangay ang kanyang motorsiklo.

Nakuha kay alyas Robert ang isang kalibre .38 baril, limang bala at ang motorsiklo ng biktima.

Nabuking ng mga pulis na may nakabinbin pang kaso ng serious physical injury, pagbebenta ng shabu at paglabag sa PD 1602 si alyas Robert habang may kaso ring reckless imprudence resulting in damage to property si alyas Glen.