Tulak

2 ‘tulak’ laglag sa binentang P6K shabu; P3M droga nakumpiska

Edd Reyes Jan 5, 2025
18 Views

Tulak1TIKLO ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga na may pag-iingat na halos P400,000 na shabu ng patulan ang P6,000 na halaga ng shabu na binibili sa kanila ng nagpanggap na buyer noong Biyernes sa Navotas City.

Huli na nang matuklasan nina alyas Bong-Bong, 45, at alyas Jason, 34, na pulis ang kanilang ka-transaksyon ng biglang dakmain ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes.

Ilang linggo ng minamanmanan ng mga pulis ang kilos ng dalawa hanggang sa makipag-transaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:30 ng gabi sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose.

Nakuha sa kanila ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang 55.64 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P378,352.

Nahaharap sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng Article 11 ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drug Act) ang dalawang suspek na tulak sa tanggapan ng piskalya ng Navotas City.