Sunog Source: BFP Valenzuela

20 puwesto sa lumang palengke sa Valenzuela nasunog

Edd Reyes Sep 22, 2026
127 Views

NATUPOK ang may 20 puwesto sa loob ng isang lumang palengke sa sunog na sumiklab Martes ng madaling araw sa Valenzuela City.

Walang natira sa mga paninda ng mga matatagal ng may puwesto sa Pacheco Flea Market sa Tongco St. Brgy. Maysan bunga ng mabilis na pagkalat ng apoy na nagsimula ala-1:55 ng madaling araw sa hindi ba batid na dahilan.

Sa ulat ni Valenzuela Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nakontrol ng mga rumespondeng bumbero ng alas-2:39 hanggang tuluyang maapula ng alas-3:15 ng madaling araw.

naalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog habang nagsasagawa pa ng imbentaryo sa tinatayang halaga ng mga paninda at ari-arian na natupok ng apoy.

Umapela naman ang mga manininda sa naturang palengke kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na tulungan silang makahanap ng puwestong pagtitindahan upang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay at mabayaran ang inutang lamang nilang puhunan.