Marcos, Lopez sinuri tunnel boring machine ng MMSP

Jun I Legaspi Sep 23, 2026
111 Views

PERSONAL na ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Kalihim ng Transportasyon Banoy Lopez ang unang breakthrough ng tunnel boring machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project (MMSP) nitong Miyerkules, na nag-uugnay sa southbound tunnel ng North Avenue at Quezon Avenue Stations.

Muling iginiit ng Pangulo ang kanyang utos sa Department of Transportation (DOTr) na pabilisin ang konstruksyon ng malalaking railway projects upang agad na maramdaman ng publiko ang benepisyo.

“Nakikita n’yo, dahan-dahan ay nabubuo na ang Subway Project natin. Pag natapos ito, napakaswerte ng mga nakatira dito dahil mayroon silang subway at MRT,” ani Pangulong Marcos Jr.

Dagdag pa ng Pangulo, ang proyekto ay magiging mahalagang bahagi ng lungsod at magbibigay ng mas mabilis na biyahe para sa mga mananakay.

Binanggit ni Sec. Lopez na ang mga riles ang pinakamabisang solusyon sa matinding trapiko sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

“Kapag operational na ang subway kasama ng MRT-7, NSCR, MRT-3, LRT-1 at LRT-2, hindi na masasayang ang oras ng mga Pilipino sa trapiko at gaganda ang kalidad ng buhay,” ani Lopez.

Quezon Avenue at East Avenue Stations, kasama ang mga tunnel patungong North Avenue at East Avenue.

Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3 — mula 1 oras at 30 minuto, magiging 41 minuto na lamang. 33 kilometro, ang 17 istasyon.

Inaasahang magsisilbi sa 519,000 kada araw sa unang taon ng operasyon, may kapasidad na higit 1 milyon.

Ang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Dumalo rin sa inspeksiyon ang mga kinatawan mula sa Japan at Nishimatsu-DMCI Joint Venture.