Suspek

20 Tsino tiklo dahil  sa scam tungkol sa crypto

Jun I Legaspi Aug 2, 2025
255 Views
BILANG pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang operasyon laban sa cybercrime, inaresto ng Bureau of Immigration (BI) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang condominium sa Robert St., Roxas Boulevard, Pasay City noong Hulyo 30 at inaresto ang 20 Chinese nationals na nagpapatakbo ng umano’y cryptocurrency scam.
Gumamit umano ang mga Chinese ng mga digital na pera tulad ng Bitcoin at Ethereum upang linlangin ang mga biktima na ibigay ang kanilang assets o personal na impormasyon.
Ang operasyon ay isinagawa base sa intelligence report mula sa isang confidential na impormante.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado,“Hindi natin papayagang maging playground ng mga banyagang sindikato ang Pilipinas. Ipinapakita ng aksyong ito na seryoso tayong labanan ang cyber fraud.”
Ayon kay FSU Chief Rendel Ryan Sy, nakumpirma niyang naaktuhan ang grupo habang isinasagawa ang scam.
Kasalukuyan iniimbestigahan upang matukoy ang pagkakakilanlan at rekord ng kriminal sa China.
Ang mga inarestong indibidwal ay nasa detensyon facility ng BI at isinasagawa na ang deportation proceedings.