Damo Kinilala ni PLt.Col.Norman Patnaan ang suspek,matapos na matimbog sa inilatag ng Buybust operation sa Tondo Manila..

21 gramo ng pinatuyong damo, kush nahumpiska sa 2 kelot

Jon-jon Reyes Jul 25, 2025
306 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 ang lalaki dahil sa pag-iingat ng 10 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bulacan St., corner Juan Luna St., Tondo, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas Ikong, 24, ayon kay Police Lt. Col. Norman Patnaan, hepe ng MPD Jose Abad santos Police Station 7.

Nahuli ang suspek sa pamumuno ni Police Major Manuel Calleja kasama ang arresting officers na sina PSSg Salem Chua, SDEU Operative, at PSSg Ralph Poblete.

Nakumpiska sa mga naaresto ang 10 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P14,000.00.

Samantala, timbog din si alyas Jao, 27.

Ayon kay PLt.Col. Arwen Nacional, bandang alas-4:30 ng umaga nahuli si alyas Jao dahil sa 11 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P15,400.

Inihahanda ang isang criminal complaint para sa paglabag sa Republic Act 9165 at ire-refer sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.

Kinilala ni P/Lt. Col. Norman Patnaan ang suspek matapos matimbog sa Tondo, Manila.