Calendar
Parte ng Smokey Mountain gumuho, residente inilikas para walang matabunan
SANHI ng walang patid na buhos ng ulan, lumambot at gumuho ang bahagi ng lupa sa Brgy. 128, Smokey Mountain sa Tondo noong Biyernes.
Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang puwersahang paglilikas sa mga pamilyang naninirahan sa gilid ng Smokey Mountain bago pa matabunan ang mga residente kung sakaling gumuho ang lupa.
Kumilos si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente, katuwang ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Engineering and Public Works, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police Department (MPD) upang ilikas ang mga residente.
Ayon kay Dela Fuente, umabot sa mahigit 60 pamilya ang nailikas at ngayo’y nanunuluyan sa Building 18 at covered court ng Brgy. 128, Zone 10.

