Yulo Binigyan ng heroes’ welcome ni President Ferdinand Marcos Jr. at ng First Family si Olympic Gold Medalist Carlos Yulo at ang iba pang Pinoy na atleta sa Malacañan Palace Martes, August 13, 2024. KJ ROSALES/PPA POOL

22 PH atleta sa sumabak sa 2024 Paris Olympics binigyan ng tig-P2M ni PBBM

Chona Yu Aug 13, 2024
104 Views

Yulo1Yulo2Binigyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng tig P2 milyon ang 22 Filipino na atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Sa Hero’s welcome sa Palasyo ng Malakanyang, inanunsyo ni Pangulong Marcos na galing ang P1 milyon sa Pagcor habang galing naman sa Office of the President ang P1 milyon.

Binigyan naman ni Pangulong Marcos ng tig P500,000 ang bawat coaching staff ng mga atleta.

Ayon kay Pangulong Marcos, kukunsultahin niya ang mga atleta, coaches, at trainors kung ano ang kulang at kung saan sila nahirapan habang sinasanay ang mga atleta.

Target kasi ni Pangulong Marcos na makahakot pa ng mas maraming medalya ang Pilipinas sa susunod na Olympic.

Mainit na tinanggap nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos, Simon at Vincent ang mga Filipino Olympians.

Kasama sa mga dumating sa Palasyo ang two-time gold medalist na si carlos yulo, bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.