CAAP

224 na sumailalim sa CAAP drug, alcohol tests nega resulta

Jun I Legaspi Dec 13, 2025
210 Views

NAGSAGAWA ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng random drug at alcohol tests sa mga stakeholders sa aviation industry bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan sa himpapawid.

Nasa 224 na tauhan mula sa dalawang flying schools at isang airline ang sumailalim sa pagsusuri na nagresulta sa 100% negative sa alkohol at drug use.

Binigyang-diin ng CAAP na ang random drug at alcohol testing ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang mga tauhan sa aviation ay nasa tamang kondisyon at may kakayahang gampanan ang mga tungkuling kritikal sa kaligtasan.

“Sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Kapaskuhan, lalo pang pinatitibay ng CAAP ang safety oversight upang matiyak na ang mga propesyonal sa aviation ay nasa tamang kondisyon,” ayon kay CAAP Director General Raul Del Rosario.

Tiniyak ng CAAP ang pangako nito na tatalima sa safety oversight at pagsunod sa mga regulasyon alinsunod sa pandaigdigang pamantayan sa kaligtasan ng aviation.