Amihan

PH UULANIN DAHIL SA SHEAR LINE, AMIHAN

258 Views

INAASAHANG magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang shear line at ang northeast monsoon o “amihan,” ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado.

Batay sa abiso ng weather bureau dakong alas-4 ng umaga, sinabi nitong ang shear line ay magdudulot ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at mga pulupot na pagkidlat at pagkulog sa Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque at Romblon.

Samantala, ang northeast monsoon ay inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa lalawigan ng Quezon, at bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulupot na mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulupot na pag-ulan o pagkidlat at pagkulog dulot ng easterlies.

Katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan ang mararamdaman sa Hilagang Luzon, habang ang silangang bahagi ng Gitnang Luzon, Timog Luzon at Visayas ay magkakaroon ng katamtamang hangin at katamtamang alon.

Ang natitirang bahagi ng kapuluan ay makararanas ng banayad hanggang katamtamang hangin at bahagyang maalon hanggang katamtamang karagatan. Philippine News Agency