Uy

28M SIM card nairehistro na

266 Views

Umakyat na sa 28 milyon ang bilang ng mga Subscriber Identity Module (SIM) card na nairehistro na hanggang noong Pebrero 5.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy patuloy ang isinasagawang pagrerehistro ng mga SIM card ng tatlong public telecommunication entities (PTE) sa bansa.

Sinabi ni Uy na umaabot sa 150 milyong SIM card ang naibenta o naipamigay ng tatlong telecommunication company subalit hindi umano malinaw kung ilan dito ang aktibo pa at ilan ang hindi na ginagamit.

Nagsimula ang pagreregistro noong Disyembre 27, 2022 at magtatanggal hanggang Abril 27.

Matapos ang deadline, ang lahat ng SIM card na hindi nakarehistro ay made-deactivate.

Layunin ng SIM Registration law na matukoy kung sino ang may-ari ng SIM card na ginagamit sa krimen.