Sim

SIM card registration hanggang Abril 26– DICT

199 Views

IPINAALALA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na ang isinasagawang SIM registration program ay hanggang Abril 26 lamang.

Pagkatapos ng registration period ang lahat ng SIM card na hindi nakarehistro ay made-deactivate na.

Hanggang noong Enero 10 ay mahigit 17 milyong SIM card na ang nairehistro. Tinatayang mayroong 169 milyong cellphone subscriber sa bansa.

Ayon sa Smart nakapagrehistro na ito ng mahigit 8 milyon samantalang ang Globe ay umabot na sa 7.6 milyon at ang DITO ay 1.5 milyon.

Target ng DICT na makapagrehistro ng 1 milyong SIM kada araw.