Sim

Mahigit 100M SIM nairehistro na

Neil Louis Tayo Jun 22, 2023
148 Views

MAHIGIT 100 milyong SIM card na ang nairehistro, ayon sa National Telecommunications Commission’s (NTC).

Batay sa datos ng NTC, 100,156,879 SIM ang nakarehistro na hanggang noong Hunyo 21.

Sa bilang na ito, 47.320 milyon ang Smart, 45.914 milyon ang Globe, at 6.922 milyon ang DITO.

Noong Abril ay pinalawig ang deadline sa pagrerehistro hanggang Hulyo 25.

Matapos ang deadline, ang lahat ng SIM card na hindi nakarehistro ay hindi na magagamit. Pwede naman itong i-rehistro upang ma-activate.