Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Pic

3 drug suspek sa Zambo tiklo; P16M na shabu kumpiskado

Alfred Dalizon Feb 25, 2025
142 Views

TATLONG drug suspek sa Western Mindanao and naaresto noong Lunes ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust sa Zamboanga City na nagresulta din sa pagkakakumpiska ng halos P16 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa ulat kay PDEA Director General Isagani R. Nerez, sumama ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 9 ang sting sa Nuñez Extension sa Brgy. Camino, Zamboanga City dakong alas-11:45 ng umaga.

Nakumpiska ang tinatayang 2.3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15.640 million at ang buy-bust money, ayon sa report.

Kinilala ni PDEA Region 9 Director Maharani R. Gadaoni-Tosoc ang mga arestado na sina alyas Jaidi, 66; alyas Maeng, 42; at alyas Nurhana, 30.