PDEA

3 HVT huli sa Gapo drug bust

Bernard Galang Mar 20, 2022
271 Views

OLONGAPO CITY – Arestado ang tatlong drug suspects na kinokonsiderang high-value target (HVT) nitong Biyernes at nakuhanan ng humigit-kumulang P82,800 halaga ng shabu sa buy-bust sa Barangay Sta. Rita, ang lungsod na ito.

Kinilala ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) Central Luzon ang mga suspek na sina Ian De Leon, 25, ng Manggahan St., Purok 1; Armando Florentino, 57, high-value target, ng Avocado St.; at Bryan Carlo Araneta alyas “Totoy”, 25, ng Avocado St., – pawang mula sa Bgy. Ang Sta. Rita.

Nakuha mula sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 12 gramo na nagkakahalaga ng P82,800, iba’t ibang drug paraphernalia, at ang marked money.

Ang entrapment ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, PNP (Philippine National Police) units, at U2 Northern Luzon Command.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek. Kasama si Blessie Amor, OJT