Calendar
3 kaso isasampa sa road rage suspek
ANTIPOLO City–Tatlong kaso ang isasampa sa 28-anyos na negosyanteng namaril at mulubhang nakasugat sa rider na negosyante at anak at isang bystander sa road rage sa Brgy. Boso Boso, Antipolo City noong Linggo.
SI alyas Kenneth ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Antipolo City Police station. ayon kay P/Col Felipe Marragun, Rizal Police Provincial Director.
Naaresto ang suspek ilang oras matapos ang pamamaril sa mga biktimang sina alyas Peter, 50, anak na si Patrick at isang bystander.
May tama sa ulo si alyas Peter habang nakalabas na ang tatlo pang biktima.
Mga kasong frustrated murder, paglabag sa RA 10591 at Comele gun ban ang isasampang kaso sa suspek.
Samantala, ayon sa suspek napilitan lang siyang mamaril ng masuntok ang kanyang maybahay.
Naganap ang pamamaril dakong alas-3:00 ng hapon dahil sa gitgitan ng kanilang mga sasakyan sa highway.