DPAO Source: 81D DPAO

3 miyembro ng NPA tigok sa engkwentro sa Northern Samar

Zaida Delos Reyes Mar 18, 2025
14 Views

TATLONG miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi sa ikinasang focused military operation ng Philippine Army nitong Lunes sa Barangay San Jose, Manapas, Northern Samar.

Dalawa sa mga nasawi ay nakilalang sina Ronnie Pajares, alyas Badora at Totoy, tubong Eastern Samar at Edmon Oros alyas Dalisay, resident eng Barangay Can Maria, Lapinig , Northern Samar, pawang mga miyembro ng Team 2,Squad 1, remnants ng Front Committee 15, Sub –Regional Committee Arctic, Eastern Visayas Regional Party Committee.

Ang labi ng mga rebelde ay inilagak sa Gamay Northern samar Funeral Home.

Batay sa ulat ng 8th Infantry Division ng Philippine Army , nagsagawa ng focused military operation ang militar sa naturang lugar kasunod ng ulat na may mga armadong nanggugulo sa komunidad.

Pagsapit sa lugar ay agad na nagkapalitan ng putok kung saan nasawi ang tatlong armado habang wala namang nasugatan sa tropa ng military.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Major General Adonis Ariel Orio, Commander ng 8th Infantry Division,.

Muli ay nakiusap ito sa mga natitira pang rebelde na sumuko na sa gobyerno at magbagong buhay.

“Once again, we appeal to the remaining CNTs to abandon the armed struggle. Let us avoid these unnecessary deaths caused by fighting for the twisted ideology of these terrorists. The government will never cease its operations against the remaining insurgents, so surrender while you still can,” pahayag ni Gen. Orio.