QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
FEEDING PROGRAM
Oct 11, 2026
Nangholdap naaresto sa Pampanga
Oct 11, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Calendar
Larawang pinost ni Mike Ong sa Fire Alert PH
Metro
3 patay, 7 sugatan sa sunog sa Taguig
Edd Reyes
May 6, 2026
440
Views
TATLO ang iniulat na nasawi, kabilang ang mag-asawang senior citizen, habang pito ang nasugatan sa sunog na sumiklab Miyerkules ng hapon sa Taguig City.
Nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng hapon sa C6 Road, Barangay Lower Bicutan na itinaas lamang sa unang alarma bago naapula alas-6:30 ng gabi.
Kabilang sa nasawi matapos ma-trap sa nasusunog nilang tirahan ang 67-anyos na lolo at 65-anyos niyang misis, pati na ang isang batang lalaki na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.
Nagtamo naman ng mga minor injuries ang pito pang indibiduwal matapos tangkain nilang isalba ang kanilang mga gamit.
Wala pang inisyal na ulat na inilalabas ang Taguig Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng sunog at magkano ang halaga ng mga naabong ari-arian.
QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Oct 11, 2026
9-anyos nagsumbong ukol sa paggahasa ng ama
Oct 10, 2026

