Calendar

3 tiklo, P240M shabu nakumpiska sa Bulacan entrapment operation
ARESTADO ang tatlong drug suspect noong Huwebes at nakuha sa kanila ang hindi bababa sa P204 milyong halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Norzagaray, Bulacan.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police Acting director Col. Franklin Estoro ang mga suspek na sina alyas Beri, 44, construction worker at residente ng Cavite; alyas Tine, 36, ng Quezon City; at alyas Bello, 21, college student ng Cavite; habang nakatakas naman sa pagkakaaresto ang suspek na si alyas Tongo, isang Chinese national.
Isinagawa ng magkasanib na elemento ng SES PDEA National Office kasama ang PDEA ROIII, Bulacan police, Norzagaray police, at SJDM City police ang buy-bust sa mga suspek sa Payogi Leisure Hub sa Old Barrio Road, Bgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.
Nakuha mula sa mga suspek ang hindi bababa sa 30 kgs ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000,000 na nasa loob ng dalawang malalaking vacuum sealed plastic bag at 28 maliit na vacuum sealed plastic bag, ang marked money, isang cellphone, ilang ID at wallet.
Isang itim na Toyota Fortuner na may plate no. NBV 6967 na ginamit sa iligal na transaksyon ang inimpound ng mga awtoridad.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang lahat ng suspek.