Calendar
3 ‘tulak’ nalambat sahil sa mahigit P2.1M shabu sa P’que
MAHIGIT P2.1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa tatlong indibiduwal na kabilang sa mga big-time na tulak ng ilegal na droga Miyerkules ng gabi sa Paranaque City.
Umabot sa 310 ang kabuuang gramo ng shabu na na nagkakahalaga ng P2,108,000 ang nasamsam ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Acting District Director P/BGen. Randy Arceo kina alyas “Olrac”, 31, “Rowelle”, 27, at “Francis”, 43 sa ginawang buy-bust operation alas- 10:45 ng gabi.
Ikinasa ng mga tauhan ni Paranaque police chief P/Col. Nicolas Pinon ang operasyon laban sa mga suspek sa Unit 2908 3rd floor ng isang apartment sa Aguarra St. Brgy. Baclaran matapos ang mahigit isang linggong pagmamanman ng operatiba ns Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Sinabi ni Col. Pinon na kina alyas Olrac at Francis nakuha ang bulto ng knot-tied plastic packs at mobile phone na gamit nila sa ilegal na transaksiyon habang kay alyas Rowelle naman nakumpiska ang markadong salapi na ibinayad ng nagpanggap na buyer.
“This operation is a clear message that the Southern Police District is relentless in its campaign to dismantle drug networks operating within our jurisdiction. We will continue to apply pressure on these criminal elements to secure a drug-free environment for our citizens,” pahayag ni BGen Arceo.

