Ilocos

30 magsasaka sa Ilocos Norte maaari nang magnegosyo

Cory Martinez Sep 30, 2024
86 Views

DarTATLUMPUNG magsasaka na miyembro ng Paninaan Multipurpose Cooperative ng Brgy. Paninaan, Bacarra, Ilocos Norte ang maaari nang makapagnegosyo dahil nakapagtapos na ng Farm Business School (FBS) program ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Engr. Vic Ines, layunin ng FBS na gawing agricultural entrepreneur ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at isulong ang pagsasaka bilang negosyo na kung saan madagdagan ang kanilang kita.

“DAR, in cooperation with the Department of Agriculture, initiated the FBS to teach farmers essential matters on bookkeeping, cash flows, market surveys, selling and costing, and proper packaging of their products,” ani Ines.

Samantala, sinabi naman ni Chief Agrarian Reform Program Officer Rommel Aquino na mayroong 19 na lalaki at 11 na babae ang nagtapos mula sa FBS 25-session program.

Sinabi pa ni Aquino na sa loob ng 25 session program, nakapag-bigay ang DAR ng kaalaman, kapasidad at pagpapalakas sa 30 ARB sa iba’t-ibang kasanayan sa pagnenegosyo at advance farming practices para mapamahalaan ng maayos ang kanilang produkto mula sa lupang ibinigay sa kanila ng DAR hanggang sa marketing stage.

Kabilang sa dumalo sa graduation ceremony sina Municipal Agriculturist William Ulep, Municipal Agrarian Reform Officer Leonila M. Agcaoili at Senior Agrarian Reform Program Officer Reynalda A. Quiamas.