Pic

32nd National Crime Prevention Week dinaluhan ng mga PNP execs, mayor, LGU officials

18 Views

Pic1Pic2

BATANGAS CITY–Nakiisa ang Police Regional Office 4A (PRO 4A) sa kick off ceremony ng 32nd National Crime Prevention Week sa Batangas City sports center coliseum upang itaguyod ang ugnayan sa pagpapanatili ng seguridad at sa rehiyon.

Kinatawan ni PRO 4A deputy director for operations PCol. Mario Mayames Jr. sa aktibidad at guest of honor si Batangas City Mayor Mario Vittorio “Marvey” Mariño.

Dumalo ang limang provincial directors, lokal na opisyal ng Batangas City at mga miyembro ng Regional Advisory Group for Police Transformation and Development at Regional Peace and Order Council.

Dumalo rin ang kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga non-government organization (NGOs) at mga stakeholders.

Pinatunayan ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, pulisya at mamamayan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa B.E.S.T. Policing Framework na naglalayong magtatag ng mas ligtas na komunidad.