61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Droga, boga nasamsam sa lalaki sa Rosario
Jojo Cesar Magsombol
Sep 1, 2026
142
Views

ROSARIO, BATANGAS–Sa rehas na bakal ang bagsak ng lalaki na sinalakay ng mga pulis ang bahay at nakuhanan ng baril at shabu sa sa Brgy. Namuco sa bayang ito noong Biyernes, ayon kay Batangas police director PCol. Oliver Ebora.
Bitbit ang search warrant mula sa Tanauan City Regional Trial Court, naaresto ang suspek na si alyas Jake, 45, at nakuhanan ng walong sachet ng pinaghihinalaang shabu at isang .38 caliber revolver na may tatlong bala.
Naganap ang pag-aresto sa harap ng mga opisyal ng barangay at media.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026

