Calendar
38 suspek sa pagnanakaw ng kable hinuli ng QCPD
UMABOT sa 38 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting nitong kampanya laban sa pagnanakaw ng cable mula Enero hanggang Nobyembre 11, 2025.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio, nakumpiska din mula sa mga naarestong suspek ang mga nakaw na kable ng komunikasyon na nagkakahalaga ng P4,576,124.00. Nabawi din ang ilang kagamitan at sasakyan na ginamit sa paggawa ng krimen.
“These accomplishments reflect our relentless drive to curb the increasing incidents of cable theft, which not only disrupt essential communication and power services but also pose a serious risk to public safety,” ayon kay PCOL Silvio.
Hinihikayat ng pulisya ang publiko na agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kinasasangkutan ng pagputol o hindi awtorisadong pagtanggal ng mga kable sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng E911/QC Helpline 122 para sa agarang pagtugon ng pulisya.

