Boga Kinilala ni PLt.Col.Arwen Nacional ang suspek na may bitbit na boga matapos maaresto ng mga operatiba ng MPD Barbosa P.S 14 sa Sampaloc, Manila. JONJON C. REYES

KELOT TIKLO SA PAGDADALA NG IMPROVISED NA BOGA SA SAMPALOC

Jon-jon Reyes Nov 12, 2025
445 Views

ARESTADO ang isang 39-anyos na lalaki ng mga operatiba ng MPD Barbosa Police matapos maispatan na may bitbit na improvised na boga sa kahabaan ng Lacson Avenue, Brgy 411 sa Sampaloc, Manila, Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si alyas Frederick, 39, miyembro ng Sputnik Gang, at residente ng Luna Street, Brgy Burol, Mandaluyong City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station 14 bandang 4:33 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-criminality campaign ang mga intel operatuves nang makatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa umano’y isang lalaki na may hawak umano ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Sinubukan ng suspek na tumakas ngunit kalaunan ay napigilan at agad na nadis armahan ng mga kapulisan.

Dito na narekober ang Improvised firearm na may isang 9.1mm na live ammunition mula sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.