Rosario

4 dinampot sa pagnenok ng P5,000 groceries

15 Views

NASAKOTE noong Huwebes ang apat na suspek sa kasong shoplifting sa Brgy. Paharang West, Batangas City.

Ang pinagsamang operasyon ng Rosario police, sa ilalim ni P/Lt. Col. Ronie Siriban, Officer-in-Charge, at Taysan police nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas Vyron, 38; Kristof, 34; Mary, 43; at Gemarie, 50

Pinasok ng mga suspek ang Dali grocery sa Brgy. Bagong Pook, Rosario, Batangas.

Sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng gabi pumasok sa nasabing grocery ang mga suspek at tinangay ang humigit-kumulang sa P5,000 na halaga ng toiletries at groceries bago tumakas sakay ng puting Mitsubishi Adventure (XCW 367).

Nakorner ang apat na indibidwal at tuluyang nahuli katulong ang mga pulis-Taysan.