PCG

5 crew ng sumadsad na barge nailigtas ng PCG

172 Views

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang crew ng sea barge na “Maria Elise” na sumadsad sa Barangay Malugao, Paluan, Occidental Mindoro, noong Linggo, Oktobre 30.

Ang “Maria Elise” kasama ang motor tugboat na “Junn Yeu” ay galing sa Semirara, Antique at patungong Calaca, Batangas.

Dahil sa lakas ng alon at hnagin dulot ng bagyong Paeng ay nagdesisyon ang dalawang sasakyang pangdagat na huminto sa Pamutusin, Paluan, Occidental Mindoro kung saan sumadsad ang sea barge.