5 Suspek Ipinapakita ni Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino ang mga naarestong suspek sa magkakaibang krimen noong Biyernes. Kuha ni Steve Gosuico

5 suspek sa pagnanakaw, rape nasilo sa Gapan, Palayan5 suspek sa pagnanakaw, rape nasilo sa Gapan, Palayan

Steve A. Gosuico Sep 7, 2024
19 Views

CABANATUAN CITY--Limang suspek, kabilang ang isang bebot, sa iba’t-ibang krimen ang nasakote sa manhunt sa Gapan, Palayan at tatlo pang bayan sa Nueva Ecija noong Biyernes.

Sa Gapan City, natiklo ng mga pulis ang 32-anyos na dalaga dakong ala-1:20 ng hapon dahil sa qualified theft.

Sa Palayan City, isa pang suspek sa qualified theft ang nasakote sa Brgy. Atate dakong alas-3:10 ng hapon.

Isang 31-anyos na lalaki ang nahuli sa Palayan City, ayon sa report.

Dinakip din ng mga pulisy ang tatlong suspek sa tangkang panggagahasa, reckless imprudence na nagresulta sa pinsala sa ari-arian at acts of lasciviousness sa Jaen, San Leonardo at Santa Rosa.

Isang paltik na cal. 38 revolver ang isinuko sa Jaen police ng isang concerned citizen bilang bahagi ng Balik-Baril Program ng PNP.