Arestado Iniharap ni P/Maj. Kevin Rey Bautista ang mga suspek na kumakana ng cellphone at natimbog sa Sta. Mesa, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

5 tirador ng cp sa arestado sa Maynila

Jon-jon Reyes Jul 18, 2025
232 Views

NASAKOTE ng mga operatiba ng Manila Police District ang limang ‘Ipit Gang’ na suspek na nandudukot ng cellphone ng mga pedestrians nitong Huwebes sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Raffy, 34; Brandolph, 33; Kyle, 22; Jomar, 33; at Danilo, 32.

Ayon kay P/Maj. Kevin Rey Bautista, isang biktima ang nagtungo sa kanilang opisina para magsumbong na nadukutan siya ng cellphone habang nag-aantay ng sasakyan sa Sta. Ana, Manila.

Sa tulong ng Global Positioning System ng ninakaw na cellphone, nalaman ang kinaroroonan ng tinangay na cellphone at ikinasa ang operasyon sa Old Sta. Mesa Maynila kung saan natiklo ang mga suspek.

Napag alaman na hindi bababa sa apat na cellphone sa isang lakad ang nakukuha ng mga kawatan sa kada “operasyon” nila sa Remedios-Taft-Lawton area.

Base sa report ni PMAJ Bautista, modus ng mga suspek na maghanap ng mga estudyante na mayroon mamahaling cellphone na kanilang gigitgitin o iipitin at sasabayan sa pagsakay sa jeep o bus atsaka dudukutan. May dalawang motorsiklo naman ang get away vehicle ng mga suspek na nakaabang sa area.

Base sa report ni PMAJ Bautista, modus ng mga suspek na maghanap ng mga estudyante na mayroon mamahaling cellphone na kanilang gigitgitin o iipitin at sasabayan sa pagsakay sa jeep o bus atsaka dudukutan, may dalawang motorsiklo naman ang get away vehicle ng mga suspek na nakaabang sa area.

Ipinagutos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay MPD Director Police Brig. General Arnold Evangelista Abad na tiyakin ang kaligtasan at kapanatagan ng mga estudyante sa lungsod.