Maligaya ang Pasko ni otoko
Dec 23, 2024
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Dec 23, 2024
Suspek na tulak dumayo, tiklo sa P1M na shabu
Dec 23, 2024
Calendar
Health & Wellness
6 brand ng anti-COVID-19 drug binigyan ng EUA
Peoples Taliba Editor
Feb 12, 2022
544
Views
ANIM na brand ng Molnupiravir, isang gamot na ginagamit sa pasyenteng nahawa ng COVID-19 ang binigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay FDA Director General Oscar Gutierrez ang mga ito ay ang:
– Molnarz (gawa ng Faberco)
– Molnaflu (gawa ng Medethix)
– Auxilto (gawa ng German Quality Pharma)
– Molxvir (gawa ng Sun Pharma)
– Molnatris (gawa ng Mykan)
– Molnupiravir Generic (gawa ng Lloyd Laboratories/Dr. Zen’s Research)
Sinabi ni Gutierrez na pumasa rin sa pamantayan ng FDA ang Lloyd Laboratories upang gumawa ng 200mg at 400mg ng molnupiravir capsule.
Ang Pfizer naman ay naghain na rin ng EUA para sa kanilang Paxlovid, isang anti-viral therapy pill laban sa COVID-19. Ni MAR RODRIGUEZ