DOH

COVID-19 UPDATE: Aktibong kaso bumaba sa 116K

402 Views

MULING bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes, bumaba sa 116,720 ang active cases sa bansa dahil mas marami ang bilang ng mga gumaling kaysa sa bagong nahawa.

Nadagdagan ng 6,835 ang COVID-19 cases samantalang 16,330 naman ang bilang ng mga gumaling. Mayroon namang 12 dumagdag sa bilang ng pumanaw.

Sa kabuuan ay 3,616,387 na ang bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,445,129 ang gumaling at 54,538 ang pumanaw. Ni MAR RODRIGUEZ