Vergeiri

Halos 10,000 edad 5-11 nabakunahan na

166 Views

UMABOT sa 9,784 ang bilang ng mga edad 5-11 na nabakunahan sa inisyal na rollout ng COVID-19 vaccination program para sa mga bata.

Ayon Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire mayroong isang bata na nakaranas ng adverse reaction matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ang bata ay nagkaroon umano ng mga pantal sa braso. Siya ay agad na natulungan sa vaccination site at pinauwi rin kinalaunan.

Mahigit sa 15 milyon na edad 5-11 anyos ang target na mabakunahan ng Department of Health bilang bahagi ng muling pagsasagawa ng face-to-face classes. Ni MAR RODRIGUEZ