Calendar

6 dinakma ng NBI, pulis Laguna sa pagbili ng boto
ANIM sa pitong suspek sa pamimili ng boto ang binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis ng Pakil, Laguna noong Huwebes.
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naaresto na sina alyas Norberto, 51, nasibak na pulis; Carlo Ryan, 42; Allan, Jojo, 33; Edgardo, 57; Ernesto, 63; at isang nakatakas na suspek na si Limuel.
Base sa ulat ni Atty. Dennis AsistioN, bandang alas-3:15 ng hapon ng pagdadamputin ang mga suspek sa harap ng Kabulusan Elementary School sa Pakil.
Naaresto ang mga suspek dahil sa kasong usurpation of authority at paglabag sa Republic Act 10591 in relation to Omnibus Election Code.
Dakong alas-10:50 ng umaga ng magpakilalang NBI agent ang isa sa mga suspek sa Pasay at doon na nabuking ng pamimili ng boto.
Narekober sa mga suspek ang isang wallet na may fake NBI ID at badge at 1 fake badge, cal .45 pistol, 44 na bala ng cal .45, isang cal .38 revolver at anim na bala ng cal 45.