Biktima Ang biktima na napatay sa palo ng baseball bat. JONJON C. REYES

63-anyos na lolo hinataw ng baseball bat, pumanaw

Jon-jon Reyes Oct 30, 2025
310 Views

PATAY ang isang 63-anyos na barker matapos hatawin umano ng baseball bat ng isang barker Martes ng gabi sa Brgy. 184, Dagupan Extension sa Tondo, Manila.

Ang biktima ay pansamantalang nakatira sa Cubao, Lungsod ng Quezon. Ang suspek na isang tricycle driver ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa report bandang, alas:10:25 ng gabi nang mangyari ang pamamalo sa biktima.
Base sa salaysay ng nakasaksi na kamag-anak ng biktima, bumisita ito para maningil ng kanyang paupahang kwarto.

Ayon sa barangay hindi nakita ang aktual na pamamalo ng suspek sa biktima dahil sira ang CCTV sa lugar nang nangyari ang insidente.

Sinubukan umanong awatin ng isa sa mga tanod ang suspek nang makitang sinusundan nito ang biktima. Agad na nagtungo sa brgy ang tanod para ipaalam ang kaganapan.

Hindi na umabot ng buhay ang biktima sa ospital. Kasabay nito, pinuntahan ng mga taga barangay ang bahay ng suspek subalit mabilis na tumakas ito lulan ng e-bike.

Hinahanting pa rin ang suspek.