Saksak

Obrero tinadtad ng saksak ng katrabaho matapos magtalo

Edd Reyes Oct 30, 2025
312 Views

TINADTAD ng saksak ng isang obrero ang kasamahan sa trabaho matapos ang mainitan nilang pagtatalo Miyerkules ng tanghali sa Tanauan City, Batangas.

Dedo kaagad ang biktimang si alyas “Eli” sanhi ng mga tinamong mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang tumakas naman ang kasamahan niya sa trabaho na si alyas “Tonio” patungo sa madamong bahagi ng Brgy. Pagaspas sa naturang lungsod, dala ang ginamit na patalim.

Pahayag ng testigong kasamahan din sa trabaho ng dalawa sa pulisya na si alyas Airus, nagpapakain ng mga manok sa likod ng kanilang tanggapan ang biktima nang marinig niya ang mainitang pagtatalo ng dalawa..

Nang puntahan niya, nakita niyang hinahabol na ng saksak ni alyas Tonio ang biktima hanggang abutan malapit sa isang gasolinahan sa Brgy. Poblacion 4 bago mag-alas-12 ng tanghali at inundayan ng sunod-sunod na saksak na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslaang.