Calendar
74 suspek na tulak inaresto ng SPD noong Sept 14-20
UMABOT sa 74 na suspek na tulak ng ilegal na droga at 60 wanted na kriminal ang naaresto ng Southern Police District (SPD) noong Setyembre 14-20.
Ayon kay SPD director PBGen. Rodel Pastor, 72, sa naarestong hinihinalang drug pusher ang itinuturing na High-Value Individuals at dalawa ang streel-level individuals.
Nasa 62 operasyon sa iba’t-ibang lungsod ang isinagawa na nagresulta rin sa pagkumpiska sa 335.31 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,285,208.
Sinabi ng opisyal pa tapos ang kampanya laban sa iba’t-ibang krimen dahil may 60 pa silang nadakip na mga wanted na kriminal sa mga nasasakupan nilang lungsod.
Sa mga naaresto, apat ang nasa Top 10 Most Wanted Persons (TMWPs), 11 ang Most Wanted Persons (MWPs) at 45 ang Other Wanted Persons (OWPs).
Binigyang diin ni BGen. Pastor na resulta ito ng patuloy na pagtugis na isinasagawa ng iba’t-ibang units at police stations ng SPD na ang target ay mga indibidwal na may nakabimbing warrant of arrest.
Palalakasin ang pagdakip sa mga sangkot sa ilegal na droga at mga wanted na kriminal bilang pagtataguyod sa mas ligtas na komunidad sa ilalim ng TSAPA (Trustworthy, Service-Oriented, Accessible, Professionalism at Accountable).

