Calendar
Iniharap ng mga pulis kay PLt. Col. Leopoldo Cajipe Jr. ang mga suspek na nahuling nagsusugal habang may dalang baril ang isa sa Delpan St., Binondo, Manila. JONJON C. REYES
2 lalaki huli sa aktong nagsusugal sa Maynila; 1 buking na may boga
ARESTADO ang dalawang lalaki na naaktuhang nagsusugal ng mga operatiba ng San Nicolas Police Community Precinct ng MPD Binondo Police Station 11 at nahulihan pa ng baril sa Delpan St. corner San Nicolas St., Binondo, Manila noong Linggo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek na sina alyas Angelo, 34; at Ramon, 56.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo Cajipe Jr., bandang alas-4:15 ng hapon ng mangyari ang pag-aresto sa mga suspek nina PMSg Jovan Ericson Rosales, PCpl Jhon Carlo Relingo at Pat Sannie Teng habang agpa-patrol sa nasabing lugar.
Nabawi ang bet money na P620 sa iba’t-ibang denominasyon at tatlong P1 peso coin na ginamit bilang flipper/tossed coin.
Nasabat din ng mga pulis ang isang revolver na kargado ng dalawang bala ng kalibre .38 sa naunang suspect.
Ang nasamsam na baril at ammunition ay isusumite sa Forensic Unit para sa kahilingan para sa ballistic examination.
Ang mga kasong nasa itaas ay isasampa laban sa mga suspek sa Office of the City Prosecutor ng Manila.

