Bataan Si Frances O. Cabuquit (ikalawa sa kaliwa) head ng Bataan probation office, kasama ang kanyang staff na sina Sr PPO Karla Alfonso, PPOII Reimond Agana at JO kelvin Alfonso, ay nakipag miting Miyerkules ng umaga kay Col. Marites A. Salvadora, Bataan police directress, upang talakayin ang ilang isyu na ikakabuti ng mga probationers sa Bataan. Kuha ni CHRISTIAN D SUPNAD

86% ng 980 probationers sa Bataan may kaso ukol sa droga

Christian Supnad Jun 25, 2025
15 Views

BALANGA CITY, Bataan — Walumput anim na porsiento ng mga probationers ay may kaso sa illegal drugs sa Bataan.

Ito ang napag-alaman sa mataas na official ng Bataan probation and parole office at sinabing karamihan sa probationers ay sangkot sa drug-related cases.

Ayon kay Frances O. Cabuquit, head ng Bataan probation office, sa kabuuang 980 kabuuang bilang ng probationers na hawak ng kanyang opisina , 86% sa kanila ay nahatulan sa drug-related cases.

Ayon pa kay Cabuquit, 34 ang actice parolees at 255 ang applicants for probation.

Si Cabuiquit ay nakipag-meeting Miyerkules ng umaga sa loob ng Camp Tolentino kay Col. Marites A. Salvadora, Bataan police directress, na kung saan ang dalawang top government officials ay tinalakay ang ibat ibang issues sa kalagayan ng mga probationers at parolees.

Base sa R.A. 10707, “Probation, as defined by law, is a privilege granted by the court to a person convicted of a crime (not higher that 6 years of conviction) , allowing them to remain in the community under supervision instead of serving a prison sentence. It’s a form of community-based correction that aims to rehabilitate offenders while ensuring public safety.”

Ibig sabihin, hindi na makukulong ang mga nahatolan ng anim na taon pababa basta mag apply lamang sila ng probation sa korte.

“Sumasakit ang aking puso kapag may nakikita akong nag-a appy for probation sa aming office dahil pro-life ako,” ani Cabuquit.

Ganito rin ang sinabi ng babaeng Police Col. Salvadora na nagbigay ng assurance kay Cabuquit na susuporta siya sa documentation ng mga probationers.

Sa kagustuhan niyang matulungan ang mga probationers, tinanong ni Cabuquit ang police directress kung pwde nilang mai “clear”ang mga pangalan ng mga probationers na ang kanilang probation period ay tapos na.

Sinabi ni Col. Salvadora na wala sa level niya ang pagsagot ng ganito at mas maganda aniya kung idi discuss nila sa higher headquarters dahil sila ang may mas authority na mag ayos sa mga ganitong usapin.