POPCOM

879,429 namatay noong 2021

245 Views

UMABOT sa 879,429 ang bilang ng mga Pilipino na namatay noong 2021, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).

Katumbas ito ng pagkamatay ng 2,700 katao kada araw, ayon sa POPCOM.

Ito rin ang pinakamataas na bilang ng mga pumanaw sa loob ng isang taon at nahigitan ang 613,936 na bilang ng nasawi noong 2020. Noong 2019 ang bilang ng mga nasawi ay 620,414.

Noong 2021, pinakamarami umano ang namatay sa buwan ng Setyembre na umabot sa 119,758 o 4,000 kada araw.

Batay sa datos ng POPCOM ang normal na bilang ng mga namamatay sa bansa ay 1 hanggang 5 porsyento ng populasyon.

Iniuugnay ang mataas na bilang ng mga nasawi sa COVID-19 pandemic.