Calendar
895,035 residente sa CL apektado kay ‘Kristine’
CABANATUAN CITY–Isa ang patay, isa ang nawawala habang 895,035 tao ang apektado ng nagdaang bagyo sa 586 barangay sa Central Luzon, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-3.
Ang nag-iisang nasawi naiulat sa Zambales habang ang nawawala naitala sa Bulacan.
Aabot sa mahigit P24 milyon ang pinsala sa agrikultura.
Apektado ng bagyo ang 127 barangay sa Aurora, 175 sa Bulacan, 47 sa Zambales, 20 sa Bataan, 78 sa Pampanga, 128 sa Nueva Ecija at 11 sa Tarlac.
Iniulat din ng RDRRMC-3 na aabot sa P2,605,209.90 ayuda ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development.
May kabuuang 4,073 indibidwal ang inilikas mula sa 43 barangay sa Aurora.
Sa Nueva Ecija, dalawang kalsada ang hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan habang tatlong kalsada ang hindi madaanan ng mga light vehicles sa Bulacan.
Napinsala din ng bagyo ang 93 na bahay.