Calendar
8M deboto dumalo sa 20 oras na Traslacion ’25
NATAPOS ng ala-1:26 ng madaling araw noong Biyernes matapos ang 20 oras at 45 minuto ang Pista ng Hesus Nazareno na lumibot sa mahigit 5.8 kilometrong ruta sa paligid ng Quiapo, Manila.
Mahigit 8 milyon ang nakilahok na mga deboto sa prusisyon, ayon sa estimate ng mga pulis.
Naging mapayapa ang kabuuang pagdiriwang at walang naiulat na malalaking insidente.
Bilang bahagi ng ng seguridad, ipinakalat ang mga X-ray machines upang i-scan ang mga gamit ng mga deboto bago pumasok sa simbahan.
Halos 12,168 uniformed personnel mula sa Manila Police District (MPD) at iba pang police units ang nagbantay sa prusisyon.
Nagapasalamat si MPD chief P/BGen Arnold Thomas Ibay kina
Kalihim Jonvic Remulla, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, PNP chief PGen. Rommel Francisco Marbil at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagtitiwala sa kanila.
“Nais kong purihin ang ating mga pulis na nagpalawig ng kanilang walang humpay na serbisyo sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng kapistahan ngayong taon,” sabi ni Ibay.