PRC

9 sa top 10 ng Mining Engineering exam taga-UP Diliman

261 Views

SIYAM sa 10 nag-top sa Mining Engineer Licensure Examination ay nagtapos sa University of the Philippines-Diliman.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) 235 sa 389 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Nanguna sa pagsusulit si John Martin Rivera Cirio na nakakuha ng 89.40 porsyento.

Sumunod naman sina Jaime Cumigad Baquiran Jr., (89.30%); Gavrie Bryan Arboleda Mascardo, (89.10%); Nathaniel Abantao Chagas, (89%); at panglima si Albert Justine Garcia Arnedo, (88.30%).

Pang-anim naman si Neal Audrey Alvarez San Diego ng Adamson University na nakuha ng 87.95 porsyento.

Siya ay sinundan nina John Kenneth Salces Suan, (87.40%); Angelino Del Rosario Atadero (87.35%); Stella Maris Rivera Bautista, (86.70%); at Renee Moster Daza, (86.65)%.