Hontiveros1

Hontiveros: PWDs ‘di dapat gawing katatawanan

35 Views

HINDI katanggap-tanggap ang pangungutya sa mga taong may kapansanan, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Nasabi ito ng senadora matapos kutyain ng mga host ng podcast si Josh Aquino na mentally challenged dala ng autism.

“It is never acceptable to mock, belittle or demean persons with disability. They are not a punchline, and their lives should not be fodder for ridicule, whether on air, online, or in private conversation,” ani Hontiveros.

Si Josh ang panganay na anak ni Kris Aquino. Inalis na umano ang episode ng podcast na Machong Chismisan matapos ulanin ng batikos at humingi na ng paumanhin ang isa sa mga hosts.

Ayon kay Hontiveros, marami nang batas at panukala laban sa anumang uri ng diskriminasyon, gaya ng National Autism Care, Support, and Inclusion Act na kanyang isinusulong.

Nanawagan din siya sa publiko, lalo na sa mga may plataporma.