Millan Larawan: Bea Millan-Windorski/IG

Miss U PH inilabas ang official portrait para sa Miss U 2026

27 Views

INILABAS na ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang kanyang official portrait para sa nalalapit na Miss Universe 2026, kung saan inaasahan siyang magdadala ng bandila ng Pilipinas sa international stage.

Sa larawang ibinahagi sa social media, makikita si Bea na nakasuot ng puting strapless outfit, habang nakalugay ang mahaba at maitim niyang buhok. Simple ngunit kapansin-pansin ang kanyang look, na lalong binigyang-diin ng kanyang matapang na titig sa kamera.

Agad namang bumuhos ang suporta mula sa mga kapwa beauty queen at pageant fans. Kabilang sa mga nagkomento sina Gazini Ganados, Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, Joy Barcoma at iba pang beauty queens, celebrities, supporters, at netizens, na nagpahayag ng pananabik at suporta sa kanyang laban.

Sa hiwalay na post, inanunsyo rin ng kanyang team na nagsimula na ang voting sa Miss Universe Fan App, at hinikayat ang mga Pilipino na bumoto para sa pambato ng bansa.

Nakatakdang lumipad si Bea patungong San Juan, Puerto Rico para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe, na gaganapin sa Nobyembre 24, 2026.