Chicago

Konsulado, komunidad sa Chicago inilatag proyekto, serbisyo sa 2027

50 Views

Chicago1Batangas1

NAGTIPON-tipon ang mga pinuno ng iba’t-ibang organisasyong Fil-Am sa naganap na “Kapihan sa Konsulado” noong Oktubre 21 sa Kalayaan Hall ng Philippine Consulate General sa Chicago.

Layunin ng pagtitipon na ilatag ang mga bagong programa, serbisyo at malalaking kaganapan para sa 2027.

Pinasalamatan ni Konsul Heneral Melanie Rita B. Diano ang Fil-Am community sa walang sawang suporta, lalo na sa tagumpay na pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng ugnayang Pilipinas at Estados Unidos.

Umaasa siya na mas lalakas pa ang samahan at pagtutulungan ng bawat isa sa mga darating na taon.